Nasasabik kaming ilunsad ang unang yugto ng ating proyektong Lynnwood Link Connections, at gusto ka naming makisali.
Pinaghahandaan ng Metro ang pagpapalawak sa Sound Transit sa hilaga hanggang Shoreline at Snohomish County. Sa pagsapit ng 2025, magbubukas ang Sound Transit Link light rail ng limang bagong istasyong magkokonekta sa Northgate at sa Lynnwood.
Maghahatid ang Lynnwood Link Connections ng updated na serbisyo ng bus na nakaugnay sa mga bagong istasyon ng light rail. Upang mas mahusay na maserbisyuhan ang mga kalapit na komunidad, nakikipag-ugnayan kami sa mga residente ng Bothell, Kenmore, Lake Forest Park, Mountlake Terrace, North Seattle, at Shoreline para sa kanilang mga pananaw.
Mahalagang bahagi ng pagpaplano ng mga bagong oportunidad sa transit (pagbiyahe) ang pagpapahusay sa mobilidad at access para sa mga populasyon na batay sa kasaysayan ay hindi sapat na napagsisilbihan.
Narito ang ilang magagandang pagkakataong makatulong na hubugin ang kinabukasan ng transit sa hilagang-kanlurang King County sa pamamagitan ng Lynnwood Link Connections:
- Magsagot ng survey tungkol sa iyong mga pangangailangan sa transit.
- Mag-apply para makasali sa Mobility Board (isang pagkakataong mamuno nang may bayad) at magbigay-payo sa Metro tungkol sa pakikibahagi sa komunidad at sa pinakamahuhusay na paraan ng pag-update sa network ng ating transit.
- Hanapin ang Metro sa iyong komunidad o mag-sign up upang makatanggap ng mga alerto sa proyekto
Interesado sa Mobility Board? Naghahanap kami ng mga taong:
- Nakatira, nagtatrabaho, at/o nagbibiyahe sa loob ng hilagang-kanlurang King County.
- Sumasakay ng transit o maaaring sumakay ng transit.
- Nagbibigay ng pananaw bilang indibidwal (hindi bilang organisasyon).
- Interesadong maghanap ng kaugnayan sa pagitan ng mga usapin ng pagkakapantay-pantay ng lahi, problema sa transportasyon, at access sa mga pagkakataon.
Marami pang impormasyon tungkol sa pagpapalawak sa Lynnwood Link ang makikita sa website ng Sound Transit .
Gusto namin na pantay-pantay na ikatawan ng ating Mobility Board ang mga grupo ng mga tao na batay sa kasaysayan ay hindi naisasali sa pagpapasya kaugnay ng transit at hindi balanseng naaapektuhan ng mga pasyang ito. Lubos naming hinihikayat na mag-apply ang mga taong may mga sumusunod na pagkakakilanlan at naisabuhay na karanasan: May Lahing Itim, Katutubo, at mga taong May Kulay; mga imigrante at refugee; mga taong nagsasalita ng ibang wika bukod sa Ingles; mga residenteng may mababa o walang kinikita; at mga taong may mga kapansanan.
Salamat! Umaasa kaming makarinig mula sa iyo.
May mga tanong? Mas gustong ipa-email o ipapadala sa iyo sa koreo ang aplikasyon? Makipag-ugnayan sa pangkat para sa Lynnwood Link Connections sa haveasay@kingcounty.gov o 206-263-1939.