May mga pagbabagong paparating sa pampublikong transportasyon sa South King County: Gusto ng Metro ang iyong feedback sa mga iminungkahing pagpapahusay ng ruta

Link ligh rail

Ang blog post na ito ay mababasa rin sa mga sumusunod na wika: English አማርኛ (Amharic) العربية (Arabic) 简体中文 (Chinese (Simplified)) 繁體中文 (Chinese (Traditional)) دری (Dari) Français (French) 한국어 (Korean) Русский (Russian) Af Soomaali (Somali) Español (Spanish) ትግርኛ (Tigrinya) Українська (Ukrainian) Tiếng Việt (Vietnamese)

Habang ang Link light rail ay papalayo patungong timog pagsapit ng 2026, ang proyektong mobility ng South Link Connections ng King County Metro ay patuloy na nagsusumikap para pagandahin ang pampublikong transportasyon sa South King County.

Bilang tugon sa mga narinig namin mula sa mga miyembro ng komunidad at mga katuwang sa Algona, Auburn, Burien, Des Moines, Federal Way, Kent, Normandy Park, Pacific, SeaTac, Tukwila, at ilang bahagi ng unincorporated King County, ikinagagalak ng Metro na ibahagi ang isang na-update na panukala para sa transit network.

Inaanyayahan ka naming matuto pa at ipaalam sa amin ang iyong saloobin tungkol sa mga iminungkahing pagbabagong ito sa pamamagitan ng pagsagot sa aming survey bago ang Agosto 31.

Mula pa noong tagsibol ng 2024, nakipag-ugnayan na ang Metro sa mga komunidad para kunin ang kanilang mga opinyon sa mga pagbabagong darating sa mobility system na kanilang inaasahan. Maaari kang matuto pa tungkol sa aming mga ginawang pakikipag-ugnayan sa mga sumaryo ng Yugto 1 at Yugto 2 ng Pakikipag-ugnayan.

Ang feedback mula sa Yugto 1 ng pakikipag-uganayan ay nagsilbing batayan ng mga priyoridad ng Metro sa mga panukalang pagbabago sa transit network, kabilang ang:

  • Mas malawak na saklaw ng pampublikong transportasyon
  • Pinahusay na serbisyo sa madaling araw at gabi
  • Mas mabilis na biyahe sa loob at labas ng lugar ng proyekto
  • Mga pinahusay na koneksiyon sa silangan-kanlurang pampublikong transportasyon
  • Mas madalas na serbisyo tuwing weekend, lalo na sa Sabado

Ang na-update na panukala para sa transit network sa South King County ay handa na para sa pampublikong pagsusuri at komento. Kasama sa update ang mga sumusunod:

  • Mga bagong koneksiyon sa pampublikong transportasyon: Pagdaragdag ng mga bagong koneksiyon sa mga paparating na istasyon ng Link light rail.
  • Buong araw na serbisyo: Pamumuhunan sa mga ruta ng bus na nag-o-operate buong araw, araw-araw, na may mga nadagdagang biyahe tuwing weekday at weekend.
  • Bago at pinahusay na serbisyo tuwing weekend: Bagong serbisyo tuwing Sabado at Linggo sa Burien, bagong serbisyo tuwing Linggo sa pagitan ng Kent at Federal Way at mas madalas na biyahe tuwing weekend sa pagitan ng Kent Des Moines Station, Kent Station, Kent East Hill at Green River College.
  • Pinahusay na serbisyo sa silangan-kanluran: Pagpapabuti ng mga pangunahing ruta sa buong lugar, kasama ng serbisyong nag-uugnay sa Highline College, Kent Station at Green River College at kasama ng serbisyo sa pagitan ng Twin Lakes Park & Ride, Federal Way Downtown Station at Auburn Station.
  • Mga serbisyong nasa-pangangailangan: Paglulunsad ng dalawang bagong nasa-pangangailangan na pilot na serbisyo ng Metro Flex sa Federal Way at Auburn para mas maraming tao ang makakakonekta sa pampublikong transportasyon.
  • Mas mabilis na serbisyo: Ina-update ang mga ruta ng bus sa pagitan ng West Federal Way at Downtown Federal Way para maging mas mabilis, mas direkta, at mas madaling gamitin ang koneksiyong ito.

Available ang higit pang detalye sa mga partikular na iminungkahing pagbabago sa website ng South Link Connections ng Metro. Maaari ka ring manatiling updated sa pamamagitan ng pag sign-up para makatanggap ng mga alerto sa proyekto.

Gusto naming marinig KAYO!

Habang inihahanda namin ang susunod na hakbang sa pagpapabuti ng transit network sa South King County, mahalaga kung ano ang masasabi ng publiko. Gagamitin namin ang inyong feedback sa mga posibleng pagbabagong ito para bumuo ng pinal na panukala ng serbisyo sa pampublikong transportasyon.

Narito ang ilang paraan para maibahagi mo ang inyong feedback sa amin:

Sagutan ang survey hanggang Agosto 31.

Dumalo sa isa sa aming nalalapit na mga Virtual Information Session:

Hanapin kami sa mga lokal na event o hintuan ng bus mula ngayon hanggang Agosto.

May mga tanong? Makipag-ugnayan sa team ng South Link Connections sa HaveASay@kingcounty.gov.

Mag-iwan ng Tugon