Nagre-recruit na ngayon para sa mga boluntaryong advisory board ng Metro! Mag-apply para sa Access Paratransit Advisory Committee o sa Transit Advisory Commission

Ang blog post na ito ay mababasa rin sa mga sumusunod na wika: English አማርኛ (Amharic) العربية (Arabic) 简体中文 (Chinese (Simplified)) 繁體中文 (Chinese (Traditional)) 日本語 (Japanese) 한국어 (Korean) Русский (Russian) Af Soomaali (Somali) Español (Spanish) ትግርኛ (Tigrinya) Українська (Ukrainian) Tiếng Việt (Vietnamese)

May mahalagang papel ang aming mga rider sa mga serbisyo ng pampublikong transportasyon na ibinibigay ng King County Metro. Nakakatulong sa amin ang iyong mga pananaw at ideya sa paghubog ng mga opsiyon sa pampublikong transportasyon na kailangan mo para makarating sa iyong destinasyon.

Ang Access Paratransit Advisory Committee (APAC) at King County Transit Advisory Commission (TAC) ng Metro ay kasalukuyang nagre-recruit ng mga bagong miyembro sa karamihan ng distrito sa buong King County. Mag-apply na sa isa sa mga boluntaryong advisory group na ito at tumulong sa paggabay ng mga patakaran sa pampublikong transportasyon ng Metro!

Matuto pa tungkol sa bawat advisory group:

Access Paratransit Advisory Committee (APAC).

Ang APAC ay nagpapayo sa King County Metro, sa King County Executive at sa King County Council tungkol sa mga isyung may kinalaman sa Access paratransit, ang serbisyo ng transportasyon ng Metro para sa mga taong may kapansanan na hindi makasakay sa mga regular na bus o tren. Maaaring maglingkod ang mga miyembro nang hanggang dalawang termino, at ang bawat termino ay may habang dalawang taon.

Ang APAC ay binubuo ng mga residente ng King County na pinipili ng King County Executive at kinukumpirma ng King County Council. Ang pagiging miyembro ay binubuo ng:

  • Mga rider ng Access paratransit
  • Mga kapamilya o tagapag-alaga ng mga rider ng Access paratransit
  • Mga kinatawan ng mga organisasyon na nagbibigay ng serbisyo o sumusuporta sa mga rider ng Access paratransit

Nagre-recruit ang APAC ng mga bagong miyembro para sa King County Council District 1, 2, 3, 4, at 6. Matutukoy mo ang distrito ng konseho kung saan ka nakatira gamit ang mapang ito.

Hinihikayat namin ang lahat ng rider ng Access, kabilang ang mga kabataan, taong mula sa iba’t ibang lahi, may kapansanan, at/o may limitadong kakayahan sa Ingles, na mag-apply.

Ipahayag ang iyong pananaw at tumulong sa pagbibigay-payo sa Metro tungkol sa mga programa, patakaran, o proseso ng Access, gayundin sa mga proyekto tulad ng Access On-Demand pilot.

Mag-apply hanggang Mayo 12.

Ang Transit Advisory Commission (TAC).

Ang TAC ay nagbibigay ng payo sa mga kawani at pangkalahatang tagapamahala ng Metro, sa King County Executive at King County Council, sa mga lokal na hurisdiksyon, at sa mga kaugnay na lupon ng transportasyon tungkol sa mga isyu sa patakaran, mga proyekto, at mga programa sa pampublikong transportasyon. Ang komisyong ito ay binubuo ng mga rider ng pampublikong transportasyon na kumakatawan sa pagkakaiba-iba ng mga residente ng county, kabilang ang mga taong may kapansanan o mga senior na gumagamit ng mga serbisyong may nakatakdang ruta, pati na rin ang mga taong nagtatrabaho kasama ng mga rider na ito.

Nagre-recruit ang TAC ng mga bagong miyembro para sa King County Council District 1, 3, 6 at 7. Matutukoy mo ang distrito ng konseho kung saan ka nakatira gamit ang mapang ito.

Hinihikayat namin ang lahat ng rider, kabilang ang mga kabataan, taong mula sa iba’t ibang lahi, may kapansanan, o may limitadong kakayahan sa Ingles, na mag-apply.

Ipahayag ang iyong pananaw at tumulong sa pagbibigay-payo sa mga aspeto ng mga pangunahing programa, proyekto, at patakaran ng Metro tulad ng South Link Connections, ng Americans with Disabilities Act (ADA) Transition Plan at ng Hinaharap ng Mga Serbisyo ng mga Transportasyong Pampubliko para sa mga Taong May Kapansanan (Paratransit).

Mag-apply hanggang Mayo 12.

Salamat sa pagsasaalang-alang na maglingkod sa lupon ng Metro!

Mag-iwan ng Tugon